Maliban sa patuloy na clearing operations, patuloy pa din ang pagbibigay ng relief goods sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses sa lungsod ng Marikina. Sa tulong ng mga Ka-MIGS nating punong barangay mula Tañong, IVC at Malanday ay naipamahagi ang ilang good packs, tubig at detergents sa at least 500 beneficiaries na mula sa PWDs, single parents at families. Ang mga relief goods na ating naibahagi ay mula sa iba’t-ibang kooperatiba, indibidwal at members na nagpaabot ng kanilang tulong sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyo.
Tayo po ay patuloy sa pagbibigay ng good packs sa iba’t ibang barangay hanggang sa mga susunod na araw.
Muli, ang taus pusong pasasalamat ng pamilyang BCC sa lahat ng mga nagbigay ng donasyon para sa mga Marikeño. Mabuhay po kayo! Maraming salamat sa pagsasabuhay ng ating coop principles na Cooperation among Cooperatives at Concern for Community!
#WeAreOneBCCFamily #BCCPartnerProviderProtector #BayanihanSaKoop